Filtered by: Newstv
NewsTV
Usapang 'White Vote' sa Bawal ang Pasaway
USAPANG "WHITE VOTE"
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: April 15, 2013

Anim na kandidato sa pagka-senador ang inendorso ng El Shaddai, sabi ni Bro. Mike Velarde nitong Sabado sa prayer rally ng grupo sa Paranaque City.
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: April 15, 2013

Anim na kandidato sa pagka-senador ang inendorso ng El Shaddai, sabi ni Bro. Mike Velarde nitong Sabado sa prayer rally ng grupo sa Paranaque City.
Dahil sa kanilang boto laban sa Reproductive Health Bill, binasbasan ng grupo sina Rep. Joseph Victor Ejercito, Sen. Gregorio Honasan, Rep. Mitos Magsaysay, Sen. Koko Pimentel, Sen. Antonio Trillanes, at former congresswoman Cynthia Villar.
Sa tulong ng iba pang mga Katolikong organisasyon, target daw ng White Vote Movement na makakuha ng 1.5 million hanggang 6 million na boto mula sa 3,000 na parokya sa buong bansa. Mangangahulugan ito ng dalawang libong boto sa bawat parokya.
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Velarde na sinuring mabuti ang mga kandidatong kanilang sinusuportahan. Tagapagsalita lamang daw siya ng "circle of discernment" na siyang namili ng mga kandidato. Itinanggi rin niyang nabayaran sila para i-endorso ang mga napili nila.
Alamin ang iba pang detalye sa isyung ito mamayang ika-10 ng gabi sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular