Filtered By: Newstv
NewsTV
'Libreng edukasyon' sa Bawal ang Pasaway
LIBRENG EDUKASYON
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: March 25, 2013
Libreng tuition para sa mga estudyante sa loob ng state colleges and universities - ito ang iginigiit ng mga student leader na kamakailan ay naging bahagi ng mga protesta laban sa pagtataas ng matrikula.
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: March 25, 2013
Libreng tuition para sa mga estudyante sa loob ng state colleges and universities - ito ang iginigiit ng mga student leader na kamakailan ay naging bahagi ng mga protesta laban sa pagtataas ng matrikula.
Sa panayam ni Prof. Solita "Winnie" Monsod sa programang Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie, sinabi bi Cleve Arguelles, Student Regent ng University of the Philippines na mas mainam na alisin na ang Socialized Tuition and Financial Assistance program o STFAP, ang programa kung saan ang kita ng isang pamilya ang nagiging basehan sa halaga ng tuition na dapat bayaran ng bawat estudyante.
Ayon kay Arguelles, dapat ay wala nang bayarin ang mga iskolar ng bayan.
Ipinagtanggol naman ni Charley Urquiza, tagapagsalita ng Polytechnic University of the Philippines Central Student Council, ang ginawang pagsunog ng mga upuan sa isang protesta ng mga mag-aaral sa kanilang campus. Luma na at nakatambak na lamang daw sa iba't ibang lugar ang mga nawasak na gamit. Umani ng batikos ang ginawang ito ng mga estudyante ng PUP. Ayon kay Urquiza, nabahala kasi ang mga estudyante na may nakaambang pagtatas ng matrikula sa kanilang paaralan.
Full subsidy o walang gastos na pag-aaral sa loob ng mga SUCs. Sang-ayunan kaya ito ni Mareng Winnie?
Alamin iyan sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular