Filtered By: Newstv
NewsTV

Bawal ang Pasaway: Ang panig ni Sultan Jamalul Kiram III sa tensyon sa Sabah


ANG PANIG NI SULTAN JAMALUL KIRAM III SA TENSYON SA SABAH
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: March 11, 2013




Ngayong gabi sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie, sinadya ni Prof. Solita Monsod ang bahay ni Sultan Jamalul Kiram III upang malaman ang panig nito sa tumitinding tensyon sa Sabah. 
 
Sa panayam ni Prof. Monsod, sinabi ni Kiram na may hawak silang mga pruweba sa pang-aabuso na dinaranas ng mga Pilipino sa Lahad Datu, Borneo. Gayunman, tumanggi silang ipakita ang hawak daw nilang video ng mga pag-abusong ito.

Sa ngayon, hindi pa makumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga ulat na may mga Pilipinong kinukuha ang Malaysian forces at inaabuso. Naglabas na ng pahayag ang DFA na nagsasabing lubhang ikinaaalarma ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga ulat na ito. Hindi makumpirma ng DFA ang mga ulat dahil hindi pinapapasok sa Lahad Datu ang mga tauhan ng ahensiya. 
 
Nakiusap ang DFA sa Malaysia na tratuhin nang maayos ang mga hawak nitong Pilipino.
 
Sa kabila nito, sinabi ni Kiram na hindi aatras ang kanilang puwersa sa Lahad Datu, at handa raw silang mamatay mabawi lang ang pagmamay-ari sa lupain ng kanilang mga ninuno.
 
Alamin ang iba pang detalye sa panayam ni Prof. Monsod mamayang ika-10 ng gabi sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie sa GMA News TV Channel 11.