Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Pikon ba ang Pinoy?
PIKON BA ANG PINOY? BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE Airing date: December 17, 2012
Ikinainit ng ulo ng maraming Pilipino ang pagpapatumba ni Juan Manuel Marquez si Manny Pacquiao noong Linggo. Kaya naman nang naglabasan ang mga litratong kumukutya sa pagkaka-knockout kay Pacquiao, hindi ito nakatulong para mabawasan ang sama ng loob ng maraming Pinoy sa pagkakatalo ng kanilang boxing idol.
Sa gilid pa lang ng ring, naging kontrobersiyal ang nakitang pananakit sa isang photographer ng dalawang miyembro ng kanyang team. Kumukuha raw kasi ng litrato ni Pacquiao ang photographer na si Al Bello ng Getty Images matapos ma-knockout ang boksingero.
Marami rin ang di natuwa nang maglabasan ang mga Photoshopped na litrato ni Pacquiao na tila kumukutya sa kanyang puwesto nang mapatulog ni Marquez. Sa Facebook at Twitter, marami ang nagpahayag na trahedya ng bansa ang pagkatalo ni Pacquiao.
Sa kabila nito, isang kalmado at sportsmanlike na Pacquiao ang nagsasabing may pagkakataon talagang natatalo ang isang manlalaro. Tiniyak din niya sa kanyang fans na babawi siya sa susunod niyang laban.
Alamin kung paano naapektuhan ang fans ni Pacquiao sa kanyang pagkatalo sa isa na namang makabuluhang diskusyon sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod at ang former boxing world champion na si Gerry Peñalosa sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular