Filtered by: Newstv
NewsTV

Strong Parental Guidance ng MTRCB sa 'Bawal ang Pasaway'


Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie
Strong Parental Guidance ng MTRCB Airing date: March 14, 2012
 
SPG.
 
Ito ang pinakabagong alpabeto sa mga ratings ng MTRCB o Movie and Television Review and Classification Board. Ibig sabihin nito ay Strong Parental Guidance o Striktong Patnubay at Gabay.
 
Ang tatlong letrang ito raw ang senyales ng MTRCB sa mga magulang na dapat ay mas tutukan at gabayan ang mga anak sa pinapanood na programa.
 
Isa pa sa mga bago nilang hakbang ay ang full frame na paalala bago magsimula ang mga programa at ang pagkalaki-laki na rating ng programa sa ibaba ng television screen.
 
Pero tila kahit anong gimik ang gawin ng MTRCB, wa-epek sa mga manunuod. Nang mag-ikut ikot ang aming correspondent na si Love sa isang barangay, napag-alaman na hindi pinapansin ang ratings ng MTRCB at hindi naman ginagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Kung ganito na lang ang sitwasyon, kailangan pa ba talaga natin ang MTRCB?
 
Paniwala ni UP Assistant Vice President for Public Affairs na si Professor Danilo Arao, panahon na para i-phase out ang MTRCB at mag self regulate na lang ang TV and film industry.
 
Pero maging ang MTRCB naman pala, naniniwalang dapat ang mga nasa industriya ng telebisyon ang manguna sa regulation ng kanilang mga ipalalabas.  
 
Ngayong Miyerkules, haharap kay Mareng Winnie si MTRCB Chairperson, Grace Poe-Llamanzares para ipaliwanag ang direksion ng ahensiyang pinamumunuan niya sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 8pm sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug, gracepoe