Mga viral video sa pampublikong sasakyan, tinutukan ng 'Alisto'

ALISTO
DATE OF AIRING: January 24, 2017
_2017_01_23_14_34_11.jpg)
Noong 2016, ayon sa datos ng Metro Manila Development Authority o MMDA, may animnapu’t tatlong aksidente ng motorsiklo kada araw. Isa pa rin ang motorsiklo sa may pinaka maraming aksidente sa kalsada. Paalala ng MMDA, magsuot ng tamang gears ang mga rider. Ibabahagi ng Kapuso stars na sina Ryan Agoncillo at Ken Chan ang naranasan nilang aksidente sakay ng motorsiklo. Tandang-tanda ni Ryan kung paano siya tumilapon at nagpagulong-gulong sa daan habang ang kanyang motorsiklo ay sumabit sa puno. Ano ang mga aral na natutunan nila sa aksidente?
_2017_01_23_14_34_59.jpg)
_2017_01_23_14_34_37.jpg)
Abangan ang lahat ng aksyon sa Alisto! Mapapanood ngayong Martes, kasama si Igan Arnold Clavio, pagkatapos ng Saksi sa GMA. Huwag maging biktima, maging Alisto!