Productivity bonus ng mga kawani ng gobyerno, matatanggap na simula Hunyo 1
Pinirmahan na umano ni Pangulong Benigno Aquino III ang executive order tungkol sa Productivity Enhancement Incentive (PEI) bonus ng mga kawani ng gobyerno, ayon sa isang opisyal sa Malacañang nitong Sabado.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr., pinirmahan ni Aquino ang Executive Order 181 na nagsasaad sa pagpapalabas ng pondo para sa nabanggit na bonus na simulang ibibigay Hunyo 1.
"The one-time grant of the PEI (is) equivalent to either P5,000 or one month basic salary as of 31 May 2015," ani Coloma.
Sakop nito ang mga kawani ng gobyerno sa:
- national government agencies
- Congress
- Judiciary
- Civil Service Commission
- Commission on Elections
- Office of the Ombudsman
- Government-owned or controlled corporations
- local water districts
- government financial institutions
- local government units
Ayon naman kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, may mga rekisitos na kailangan ibigay ang mga kawani ng gobyerno para matanggap ang naturang one-time grant ng PEI na katumbas ng isang buwan na sahod.
"(K)ailanganng ma-meet ng mga agency yung mga sumusunod na requirement para makapagbigay sila ng one-time PEI equivalent to one-month basic salary," pahayag ni Valte sa panayam ng dzRB radio.
Kabilang sa mga rekisitos na ito ay:
- achievement of at least 90 percent of their fiscal year 2014 target under at least two performance indicators for at least one major final output under operations
- compliant with "transparency seal"
- compliant with posting or publication of "Citizen’s Charter"
Hindi naman daw sakop ng patakarang ito ang mga consultant, mga nakakontratang kawani, at maging ang mga apprentice at ibang empleyado na naka-job order o mga katulad na kasunduan sa kanilang trabaho. — FRJ, GMA News