Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

Quezon Province, kinilala ng DOT na destination of the year


Kinilala at pinarangalan ng Department of Tourism (DOT) ang lalawigan ng Quezon bilang Destination of the Year para sa taong 2017. 

Dahil ito sa dami ng mga turistang nagtungo sa lalawigan nitong mga nakaraang araw. 

Ilan sa mga lugar na dinagsa ng mga turista ay ang mga white beaches sa lalawigan tulad ng Cagbalete Island sa Mauban, Alibijaban Island sa San Andres, Villa Escudero sa Tiaong, Kwebang Lampas sa Pagbilao, Borawan island sa Padre Gurgos, Balesin, at iba pa. 

Photo courtesy: Provincial Government of Quezon
Photo courtesy: Provincial Government of Quezon

Naging paborito ring puntahan ng mga turista ang Pahiyas Festival sa Lucban, Tayabas, Sariaya, Gumaca,  Kamay ni Hesus at Niyog-Yugan festival.

Umaasa ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon na mas lalo pang dadagsa ang mga turista sa lalawigan. Bukod kasi sa malapit lang ito sa Maynila ay mura lang ang gastusin dito tulad ng murang accommodations at pagkain.

Photo courtesy: Provincial government of Quezon
Photo courtesy: Provincial government of Quezon

Ayon kay Quezon Governor David Suarez, sana raw ay patuloy na lumago ang turismo ng lalawigan. — LA, GMA News

RELATED: Revisiting Villa Escudero