Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

Ilang paglilinaw ngayong Buwan ng Wika: Hagdan o hagdanan? Pinto o pintuan?


Umaakyat ka ba sa hagdan?

Kung ang sagot mo ay oo, ikinalulungkot naming ibalita na nabiktima ka ng "Fake Use" o ang malaming gamit ng wika.

Marami naman tayo. At marami rin ang nalilito: hagdan o hagdanan? Pinto o pintuan?

Ngayong Buwan ng Wika, ang GMA News and Public Affairs Team kasama si Divine Tetay ay narito upang ipaliwanag kung ano ang pagkakaiba ng mga ito. 

Pinto o pintuan? Hagdan o hagdanan?

Hindi inaakyat ang hagdan. Ito ay ang hinahakbangan. Sapagkat sa Ingles, ang hagdan ay steps. 

Ang inaakyat ay ang hagdanan o sa Ingles ay stairs. Gets?

Ang pintuan naman, hindi binubuksan.

Pinto ang binbukusan upang makapasok. Madaling tandaan kung iisipin ang pangungusap na "Hindi mabuksan ang pinto dahil may nakaharang sa pintuan."

Ang pintuan ay ang dinadaanan papasok ng isang kwarto o sa Ingles ay doorway.

Ang iba-iba ay iba sa iba't iba

Isang mabilis na public service announcement para sa lahat: Hindi dapat nilalagiyan ng gitling ang iba't iba. Nagmula ito sa "iba at iba" kaya ang ginagamit ay kudlit kapalit ng letra at hindi gitling upang pagdugtungin ang inuulit na salita.

Keri? Keri!

Pa lang at na lang laban sa palang at nalang

 

Ang "pa lang" ay ginagamit sa oras o bilang. Ang "palang" ay mula naman sa pinagsama "pala" at "ng."

Sabi nga ni Tetay, makakatulong kung huhugutan mo. Halimbawa, "Siya pa lang ba ang lalaking naging sweet sa 'yo? Naku, linawin mo, baka wala palang kayo."

Mas madali namang tandaan ang pagkakaiba ng "na lang" at "nalang." Tandaan lang na walang "nalang." Kalimutan mo na ang salitan 'yan.

Ngayong Buwan ng Wika, palawakin ang kaalaman tungkol sa Filipino at iba pang wika sa Pilipinas! — LA, GMA News