Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

Jon Lucas remembers mom who died of aneurysm: 'The last thing I remember was her smile'


Jon Lucas remembered a very special woman on Mother’s Day.

In an interview with GMA News Online, the “Descendants of the Sun” actor opened up about his late mother who tragically died of a brain aneurysm.

“The last thing na nakita ko ay yung ngiti niya," Jon said in a text.

“Aneurysm kinamatay niya, at nabasa ko pag na-experience mo yon, yun na yung pinaka masakit na mafi-feel mo sa ulo mo."

Jon recalled, "Nung nangyari yon sa harap ko, habang sinasabi niya na ‘ang sakit ng ulo ko,’ sabi ko, ‘bakit?’ Nag-smile lang siya. Then ayun, wala na po. After that moment hindi ko na siya narinig at nakausap ulit."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Buti nalang noong iniwan niya kami. Matibay na ang aming pananampalataya. Pero OO, Napakarami pa rin naming maling desisyon sa buhay. Mga bagay na maaaring hindi siya matutuwa kung makita niya. Sasabihan na naman niya ako "Oh Wag ganyan, hindi matutuwa ang Diyos sa'yo niyan" lagi yan message niya sakin noon. Ayaw niyang nakakagawa ako ng mga bagay na mali, kahit alam niya sa sarili niya hindi siya perpekto. Pero siguro kasi naranasan niya na o nakita na niya yung mga magiging Kapalit ng mga Paglabag natin sa kalooban ng Diyos. Kaya pinapaiwas niya kami sa mga ganung bagay. At ayun na nga kahit magtatatlong taon na siyang wala. Hindi mawawala yung mga aral na iniwan niya samin. Tulad ngayon gabing gabi na narerealize ko na naman kung gaano kahalaga ang pagiging masunurin sa mga magulang. Yun talaga ang unang utos na may kalakip na pangako ????? Di ako nagsisisi sa mga bagay na meron ako ngayon. Pero sana MAS ginawa ko pa yung best ko na maging masunurin akong anak noon. OH WALA NA! Kahit anong pagpapakabait ko di na niya makikita. Pero sino naman po ang higit na makakakita sakin? Ang DIYOS. Ngayon sakanya naman tayo babawi. Never natin matutumbasan mga kabutihan ng Ama. Pero pwede nating ipakita sakanya na GUSTONG GUSTO natin makarating sa uri na hinahanap niya sa atin ??????? Sensya na hindi po ako makatulog kasi. Sa mga Kabataan na makakabasa nito. Sana may matutunan kayo. Hehe ?????

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon) on

 

To this day, Jon said his mother remains his "inspiration for everything."

“Ang mommy ko po para sa 'kin, ay walang katulad, seryoso po iba iba tingin natin sa mga nanay natin, syempre bilang mga anak para sa 'tin sila yung BEST sa buong mundo. Pero sa buong buhay ko wala po ako nakilala na ka-ugali ng nanay ko,” he said.

“Hindi lang po siya mabait, iba yung pagtingin niya sa mga bagay-bagay. For example sa mga problema. Lagi siyang positibo, never ko siya nakitang umiyak kahit parang ang bigat bigat na ng dinadala niya. Even bago siya mawala,” he added.

Jon also took the opportunity to express how grateful he was to grow up with a mother as kind and generous as her.

“Thankful ako kasi sa kabila ng katigasan ng ulo ko. Inintindi niya ako. Pinaramdam niya sakin na kahit talikuran ako ng lahat, she'll be there for me. Kahit saktan ako ng mga babaeng minahal ko noon, she'll be there to save me,”  the actor said through text.

“She made me feel na ako ang pinakamabuting anak kahit na ilang beses ko na siyang binigo sa mga pangako ko sakanya,” he added.

Jon, who joined GMA Artist Center in 2019, has wowed audiences as Staff Sargeant Benjo Tamayo (a.k.a.) Harry Potter in “Descendants of the Sun."

Before snagging a role in the hit Kapuso drama, the actor had also starred in several films like “Felix Manalo” and "Haunted Forest." — LA, GMA News