Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

Karera ng Hipon sa Hipong Gubat Festival sa Quezon Province


Masayang ipinagdiwang ang Ika-walong taon ng Hipong Gubat Festival sa liblib na Barangay ng Sta. Catalina sa Atimonan, Quezon nitong Lunes.

Ang Hipong Gubat ay isang uri ng hipon sa tabang na tubig na matatagpuan sa mga ilog sa mga kagubatan ng Quezon province.

Ito ang isa sa mga pinagkakakitaan ng mga taga Sta. Catalina.

Bilang pasasalamat sa masaganang biyaya ng kagubatan ay ipinagdiwang ng mga taga Sta. Catalina ang Hipong Gubat Festival, kasama na dito ang street dancing at ang karera ng hipon.

At syempre hindi mawawala ang higanteng Pinais na Hipong Gubat, na gawa sa tinadtad o giniling na laman ng murang niyog na nilagyan ng mga pampalasa at iniluto na parang bibingka. Nilagyan rin ito ng inihaw na Hipong Gubat na lalong nagpasarap dito.

Pinagsalo-salohan ito ng mga residente ng Sta. Catalina. — BAP, GMA News