GMA's Raffy Tima, Mariz Umali sing ‘Thinking Out Loud’
Ipinagdiwang ng mag-asawang Raffy Tima at Mariz Umali ang Araw ng Kalayaan nitong Linggo sa pamamagitan ng isang maikling road trip bago sila muling sumabak sa trabaho bilang mga mamamahayag.
Nagpakitang-gilas sa pag-awit ang Kapuso reporters, na kinanta ang hit song na “Thinking Out Loud” ni Ed Sheeran.
Ayon kay Raffy sa kaniyang Facebook post, “Dahil malaya tayong gawin anuman ang ating naisin hehehe. Pasensya na sa mga boses na walang practice. ?#RoadTrip? ?#ArawNgKalayaaan?”
Umani na ng higit sa 125,000 views ang naturang video, at maraming netizens nga ang kinilig at humanga nang makita ang “less serious side” ng mag-asawa at kilalang journalists.
Pati ang “Traffic Diva” na si Aicelle Santos ay binati rin sina Mariz at Raffy nang mapanood ang kanilang video.
Aniya, “Waaaaaahhh ang galing niyoooo!!!! Mismo ang blending! Change na ng career!”
Matatandaang nagkakilala ang dalawa bilang mga mamamahayag ng GMA Network, at ikinasal noong December 2012. — BAP, GMA News