Filtered By: Lifestyle
Lifestyle

GMA Network's statement on Gerald Santos' testimony before Senate committee


GMA Network, Inc. has released the following statement as regards the testimony of former GMA Artist Center talent Gerald Santos before the Senate Committee on Public Information's inquiry into the policies of television networks and artist management agencies in relation to complaints of abuse and harassment:  

Opisyal na Pahayag ng GMA Network 

Naninindigan ang GMA Network laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso. Hindi kinukunsinti ng GMA ang anumang uri ng pang-aabuso sa mga artista, personalidad, empleyado, independent contractors, at iba pang stakeholders nito.

Alinsunod dito ang naging aksyon ng Network matapos nitong matanggap ang formal complaint ni Gerald Santos noong 2010. Agad nagsagawa ng imbestigasyon at matapos nito ay agaran ding ipinatupad ng Network ang nararapat na parusa sa inakusahan. Tinerminate ng GMA ang kontrata ng inakusahan, at hindi na rin siya muling kinuha o binigyan ng trabaho pagkatapos nito.

Ngunit ang nilalaman ng formal complaint na inihain ni Gerald noong 2010 ay naiiba sa akusasyon niya ng rape na binanggit niya sa Senado. Ngayon lang din nakarating sa kaalaman ng pamunuan ng GMA ang bagay na ito.

Nais ding linawin ng GMA ang naging pahayag ni Gerald na natanggal siya sa Network. Siya mismo ang humiling ng early release mula sa kanyang management contract noong 2010, na pinagbigyan ng GMA. Sa parehong taon ay agad din siyang lumabas sa ibang TV network. Dagdag pa rito, sumubok ding bumalik si Gerald sa GMA matapos ang kanyang kontrata sa TV5 noong 2013.

—GMA Integrated News