Filtered By: Lifestyle
Lifestyle
YOUSCOOP

Mga kakaiba at makukulay na dekorasyon ngayong Pasko


Walang katulad ang Kapaskuhan ng mga Pilipino. Maaga ang pagsabit ng mga dekorasyon. At hindi lang maaga, magarbo pa!

Nakunan ng ating mga YouScooper ang mga kakaibang dekorasyon ngayong holiday season. Narito ang ilang larawan ng mga makukulay at nagniningning na disenyong pamasko sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

1. Ramdam ang #MagicNgPasko sa isa sa mga bagon ng LRT-1 dahil sa makukulay na dekorasyon. Kuha ni YouScooper Ron Jabal.

 

2. Gawa sa kawayan ang mga simbolo ng Kapaskuhan sa ika-20 Kaluskos Kawayan Festival sa Cardona, Rizal. Kuha ni ni YouScooper James Bautista.

 
 
 
 

3. Gawa sa recycled materials ang mga Christmas tree na binida sa Panabo sa Davao del Norte. Kuha ni YouScooper Olan Emboscado.

 
 

4. Ramdam ang #MagicNgPasko sa Carmen, Davao del Norte dahil sa matitingkad na ilaw at palamuti para sa Kahayag Festival. Kuha ni YouScooper Olan Emboscado.

 
 

5. Ilang makukulay at malalaking parol ang ibinida sa isang exhibit sa Las Piñas City. Kuha ni YouScooper Roland Roldan.

 
 

6. Sa kabila ng naranasang delubyo dala ng bagyo ngayong taon, makulay pa rin ang Pasko sa Basco, Batanes. Kuha ni YouScooper Edge Genciagan.

 
 

7. Kinagigiliwan ang isang jeep na pinalamutian ng matingkad at makulay na pailaw sa Binondo, Manila. Kuha ni YouScooper Jack.

 

 

8. Tuwang-tuwa ang mga residente at turista sa video projection display sa Vigan City Hall. Kuha ni YouScooper Analyn De Vera.

9. Nagliwanag ang Bataan Plaza sa Balanga City dahil sa makukulay at naglalakihang Christmas displays sa lugar. Kuha ni YouScooper Matthew Mancera.

10. Damang-dama ang Kapaskuhan sa siyudad ng Davao dahil sa makulay na Christmas display na nakapalibot sa Davao City Hall. Kuha ni YouScooper Olan Emboscado.

May mga makukulay at kakaiba bang mga disenyong pamasko sa inyong lugar? Ipadala ang inyong ulat sa YouScoop! — BM, GMA News