Sid Lucero reads Bonifacio’s ‘Pag-ibig sa Tinubuang Lupa’

Most Filipinos know Andres Bonifacio as the father of the Philippine revolution. Armed with weapons, he showed his nationalism by leading Katipuneros into war against the colonizers.

But not a lot of people know that Bonifacio showed his nationalism by wielding another weapon – the pen.  

"Pag-ibig sa Tinubuang Lupa," said to have been published in the Kalayaan’s first issue, is Andres Bonifacio’s most prominent piece of poetry. Written under the pseudonym "Agapito Bagumbayan," the poem persuades Filipinos to demonstrate their patriotism by fighting for their country.

To pay tribute to the father of the Philippine revolution, "Katipunan's" Sid Lucero gives his own rendition of Bonifacio's written work. Lucero plays Andres Bonifacio in GMA’s first historical docu-drama "Katipunan," which airs Saturdays, 10:15 PM on GMA-7.

Listen to Sid Lucero read parts of "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" here:

 

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
 
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya?
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga; wala.
 
Pagpupuring lubos ang palaging gawad
Ng taong mahal sa Bayan niyang liyag
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat
Kalakhan din niya'y isinisiwalat.
 
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayan niyang irog
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
 
A! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan
Na siyang una’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay init sa lunong katawan.
 
Kung ang Bayang ito'y nasa-sa-panganib
At kinakailangang siya’y ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Sa isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
 
Di gaano kaya ang paghihinagpis
Ng pusong Tagalog sa puring nalait?
At aling kalooban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?
 
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya'y inaapi, bakit di kumilos,
At natitilihang ito’y mapanood?
 
Hayo na nga, kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan,
At walang tinamo kundi kapaitan,
Hayo na’t ibigin ang naabang Bayan.
 
Kayo, mga pusong pilit inihapay
Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon ay magbango’t nariyan ang Bayan,
Nariya’t humihibik, mga anak siya’y antay.
 
Datapuwa’t ibigin nang lubos na lubos
Sa lahat ng bagay, itangi sa loob
At sa kalakhan niya’y dapat na iubos
Ng malaking puso ang malaking lingkod.

– Lara Gonzales, GMA News