Filtered By: Hashtag
Hashtag

Thanks to her super extra costume: Sinulog Festival Queen candidate from Daanbantayan, Cebu goes viral


Trending ngayon sa social media ang larawan ni Isabel Luche, representative ng Daanbantayan, Cebu sa Sinulog Festival search for Festival Queen 2018 dahil sa kakaiba at magarbong disenyo nito.

Ipinapakita dito ang kultura at pamumuhay ng mga taga Daanbantayan. Makikita ang animoy mga palayan na isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga taga Daanbantayan: ang pagsasaka.

Photo: Daanbantayan LGU
Photo: Daanbantayan LGU

Makikita rin ang mga kubong yari sa native na materyales at ang mga puno ng niyog. Ayon sa LGU ng Daanbantayan, yari sa foam at iba pang indigenous materials ang gown kung kayat magaan ito.

Ipinagmamalaki rin ng mga taga Daanbantayan ang berde nilang kapaligiran. Sagana sa likas na yaman ang Daanbantayan.

Tribu Kandaya ang tawag sa grupo na mula sa Daanbantayan na kalahok sa Sinulog Festival. Hango ang salitang kandaya sa kauna unahang datu sa Daanbantayan na si Datu Daya.

Isang karangalan raw para kay Isabel na i-represent ang kanilang bayan. — LA, GMA News

 

Tags: sinulog