Filtered By: Hashtag
Hashtag

'Bakit po out of this world ang inyong pagtawa?': Susan Enriquez answers questions in #AskAway




Reporter, radio anchor, and television host Susan Enriquez took the plunge on Wednesday in the second edition of #AskAway. Mareng Susan answered all types of questions on the official Facebook account of GMA News.

 
 
 
R Anthony Baldea Almonte: Ang katagang "Kay Susan Tayo" na naging hit show mo ay senyales ba ng pagtakbo mo sa pulitika? 
 
Susan Enriquez: Wala po akong balak pumasok sa pulitika. Masaya na po ako sa aking trabaho ngayon bilang tagapaghatid ng balita at taga-puna sa mga mali at hindi tamang palakad sa gobyerno
 
Jennifer Molina Villafuerte: Sa dinami-dami na ng mga taong nakasalamuha o na-interview na ninyo, sino po ang pinapangarap n'yong makita at makausap ng personal? At bakit po?
 
Susan Enriquez: Looking forward na makaharap at makausap si Pope Francis.
 
Rochelle Pianar: Ma'am Susan, kamag-anak n'yo po ba si Mike Enriquez kasi same ang last name n'yo eh?
 
Susan Enriquez: Hindi ko po kamag-anak si Mike Enriquez. Nagkataon lang po na pareho kami ng apelyido. Siya po ang boss ko sa radio station DZBB ng GMA-7.
 
Roji Pidlaoan: Paano po kayo naging reporter ng GMA?
 
Susan Enriquez: Nag-apply po ako sa DZBB bilang newswriter hanggang sa mabigyan ng break sa pagiging reporter ng TV.
 
Joshua John Recto: Most unforgettable news coverage?
 
Susan Enriquez: 2001 sa Basilan nung magpunta kami sa kampo ng Abu Sayyaf kasama si Robin Padilla at Noli de Castro at hindi kami pinayagan na umuwi. Hindi ko rin malilimutan ang coverage ko sa 2001 World Trade Center bombing at tsunami sa Thailand noong 2004.
 
Ely Bausin Espinosa: Ma'am Susan, maliban sa reporter, ano pa po ung gusto mong work?
 
Susan Enriquez: Gusto ko pong magturo sa special children kaya kumuha ako ng units sa Special Education. 
 
Paolo Lee: Sa tingin n'yo po may pag-asa pa bang makaahon ang bansang Pinas sa kahirapan? #AskAway
 
Susan Enriquez: 'Yan ang kasama sa pinagdarasal at hinahangad ko para sa ating bansa.
 
Vina Lumansoc: Idol, sa dami ng nagampanan mo bilang isang reporter dito sa ating bansa, saan ka nahirapan at bakit?
 
Susan Enriquez: Mabigat para sa akin ang mag-cover ng mga istoryang may mga namamatay. Laging masakit sa loob lalo na kapag kausap mo na ang kanilang mga mahal sa buhay.
 
Malou Mendros: Hi po! Sa dinami-dami na po ng ginawa n'yo na, ano pa po 'yung gusto n'yong gawin?
 
Susan Enriquez: Gusto ko pong makapag-public service habang nasa ganitong trabaho.
 
Joan Valdez: Kung wala kayo sa field of reporting, ano po sana kayo ngayon?
 
Susan Enriquez: Siguro po teacher ako dahil 'yun po ang una kong pangarap. 
 
Niño Kristobal Selibio: Kung bibigyan ka ng pagkakataon ng isang genie na humiling ng 3 bagay sa kaniya, ano-ano ang mga ito, at bakit 'yun ang pinili mo?
 
Susan Enriquez: Sana maging tapat at tunay na serbisyo sa publiko ang ibigay ng mga pulitiko at ng mga nasa ahensiya ng gobyerno.
 
Amy Macarayan: Hi po maam. Mahirap po ba ang propesyon mo bilang journalist?
 
Susan Enriquez: Pinakamalaking responsibilidad po ng pagiging reporter ang pagbibigay ng tamang impormasyon at balita sa mga manonood at mga tagapakinig.
 
Darren Paul Caceres: Susan, sino ang pinaka-tinitingala mo sa mundo ng journalism? Local and foreign?
 
Susan Enriquez: Si Jessica Soho, I admire her passion sa trabahong ito at Anderson Cooper at Christiane Amanpour.
 
John Stephen Saul: Bakit po ba out of this world ang inyong pagtawa?
 
Susan Enriquez: Pagkapanganak ko po ganun na tawa ko eh kaya kahit sa TV at sa personal ganun pa din.
 
 
 
Lorena Royong Broqueza: Hi ma'am Susan. Ano po vitamins n'yo para po kasi hindi kayo nagkakasakit?
 
Susan Enriquez: Hindi po ako masyado umiinom ng vitamins pero hindi po nawawala ang prutas at gulay sa kinakain ko araw-araw.
 
Don King Evangelista: Kaano-ano niyo po si Doris Bigornia? Magkamukha po kasi kayo? Tsaka okay lang po ba sa inyong pinagtatapat kayo? Hehehe! 
 
Susan Enriquez: Hindi kami magkamukha siguro magka-height kami. May nunal ako sa kanang pisngi at kung pagtapatin kami wala namang masama dahil sa kahit anong larangan maganda ang may kumpetisyon. Naaalala n'yo ba si Vilma Santos at Nora Aunor?
 
Seju Leo Udtohan: What/who is your inspiration in life? #AskAway
 
Susan Enriquez: Pamilya ko po.
 
Jesusdodoy Pedregosa: Ma'am Susan, nakapunta na po kayo sa Roxas City? Naniniwala ka din sa aswang?
 
Susan Enriquez: 'Pag nakakita na ako kasi puro kuwento pa lang sa ngayon. Pero parang ayoko namang makakita.
 
Edna Oclida: Good evening po! Ano po ang secret n'yo sa pagiging energetic? Hindi tumaba or pumayat? Salamat po. 
 
Susan Enriquez: Time management po at kailangang alagaan din ang kalusugan. Iwas-iwas sa mga makakasama sa katawan. 
 
Jerson Rosalia: Anong magandang gawin para magustuhan ako ng mga babae at magkandarapa sa akin? Answer please. 
 
Susan Enriquez: Alam mo Jerson, isa lang ang puso natin. Dapat huwag kang mangarap na habulin ng babae. Tama na ang isang minamahal at isang nagmamahal. Unless, gusto mo ang kantang "Sana Dalawa ang Puso Ko." Sakit sa ulo 'yan. — Compiled by Macon Muyot/GMA News Social Media