Kung nilalayuan ang mga zombie sa pelikula, sa isang event sa bansang Mexico, pami-pamilya na pinupuntahan ang mga pumaparadang zombie.
Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, sinabing libu-libo ang lumahok at dumalo sa taunang Zombie Walk sa Mexico.
Ginaganap ang taunang Zombie Walk bago ipagdiwang ang Araw ng mga Patay sa Mexico.
Ayon kay Abril, isa sa mga kalahok at nag-costume at make-up na Zombie Queen, nakakatakot mang tingnan pero buhay na buhay ang diwa ng pamilya sa ganitong okasyon.
"Everybody should come. It's super fun, there's a family-friendly atmospher, you're going to have an amazing time," saad niya.
Nagsimula ang ideya ng kakaibang parada sa California pero ginagawa na rin daw sa iba't ibang panig ng mundo.
"The idea is not ours, but we started it in 2007. We have honored the image of Mexico by having one of the largest and most fabulous Zombie Walks in the world," pagmamalaki ni Chumoy Zombie Master, ang event organizer.-- FRJ, GMA Integrated News