Nahuli-cam ang ilang beses na pagdaan ng isang kotse sa isang palaruan na may mga bata sa Minnesota, USA. Ang sasakyan, ninakaw umano at minamaneho ng isang bata na 10-taong-gulang lang.

Sa ulat ng GTV News "Balitanghali" nitong Lunes, sinabi ng mga awtoridad sa Minneapolis na nagpaikot-ikot sa palaruan ang kotse at mabuting walang nasaktan.

Ang naturang kotse, ninakaw umano at isang bata na 10-taong-gulang na siyang nagmamaneho.

Inaresto ng mga awtoridad ang bata na napag-alaman na dati na rin dinakip at may kinakaharap na reklamo.

Sinampahan siya ng mga reklamong  reckless driving at recieving stolen property.-- FRJ, GMA Integrated News