Sa kuwentong Dapat Alam Mo!, sinabi ni Kuya Kim Atienza na iniinom nga ng mga paruparo ang luha ng mga pagong.
Maalat umano ang luha ng mga pagong pero mayroon itong mineral na sodium na kailangan ng mga pagong.
Isa umano sa mga hamon ng mga herbivore na hayop na katulad ng paruparo ang humanap at kumuha ng sodium at iba pang mineral na madalas nakukuha sa carnivorous na diet.
Dahil malayo ang Amazon rainforest sa dagat, walang gaanong pagpipilian ang mga paruparo kundi ang lumapit sa mga pagong.
Gayunman, hindi lang sa luha ng pagong kinukuha ang kailangang mineral ng mga paruparo Maaari din silang sumisipsip sa ihi ng mga hayop sa mapuputik na ilog at kung minsan, sa pawis ng tao. -- FRJ, GMA Integrated News