Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki na ipinagyabang ang kaniyang shabu sa Barangay Laging Damayan sa Quezon City.
Sa ulat ni James Agustin sa GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, sinabing nasa halagang P7,000 ang shabu na nakumpiska sa 39-anyos na suspek.
Ayon sa pulisya, nagbibirong ipinagyabang umano ng suspek sa isang driver ng tanod ang kaniyang shabu.
Pero ang hindi alam ng suspek, may tumawag na sa mga pulis kaya naaresto siya.
Aminado naman sa kasalanan ang suspek na lasing siya at nagsisisi sa ginawa niyang pagyayabang.
"Akala ko kasi dati ok lang biruan namin. 'Yun pala 'yon na, huli na pala ako," ayon sa suspek, na mahaharap sa reklamong paglabag sa Dangerous Drug Act.-- FRJ, GMA Integrated News