Feeling blessed ang ilang nagsimba sa isang barangay sa Barlig, Mountain Province dahil ang paring nag-Misa, look-alike ni HesuKristo.

Siya si Fr. Roberto Salazar, isang Venezuelan na narito ngayon sa Pilipinas.

Napa-second look ang mga residente sa Sitio Chatol, Barangay Lingoy, dahil tulad ni Kristo, mahaba ang buhok, may balbas, at maamo ang itsura ni Fr. Salazar.

Hindi na tuloy napigilan ng isang bata na yumakap kay Fr. Salazar nang makita ito.

Nag-Misa si Fr. Salazar para sa kapistahan ng barangay. —KG, GMA Integrated News