Nauwi sa disgrasya ang masayang palaro na palo-sebo sa Naga City nang mabali ang kawayan na ginagamit at mahulog ang apat na kalahok.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Lerma, habang nasa kalagitnaan ng palaro.
Apat na kalahok ang umakyat at nag-unahan na makuha ang banderitas sa tuktok ng kawayan nang bigla itong mabali.
Bumagsak ang apat na kalahok at nagtamo ng mga sugat at bali sa katawan. Ang iba sa kanila, nagpapagaling pa raw sa ospital.
Ayon sa pamunuan ng barangay, hindi sila ang nag-organisa ng laro. Tumanggi naman ang umanoĆ½ nag- organisa ng palaro na magbigay ng pahayag.
Dahil sa nangyari, hindi na raw papayagan ng barangay ang katulad na palaro para hindi na maulit ang insidente--FRJ, GMA Integrated News