Ipinakita ng isang tindero ng popsicle at ice drop ang kaniyang pagiging malikhain nang gawin niyang helmet ang isang bunot ng niyog habang naglalako ng kaniyang paninda gamit ang bisikleta sa Kidapawan, Cotabato.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, inilahad ni Romeo Intes na lagi siyang nasa kalsada dahil sa kaniyang pagtitinda.

Ginawa niya ang helmet matapos ipatupad ang “no helmet, no travel policy” para sa mga nakamotorsiklo at rider nito.

Kahit nakabisikleta, naisipan pa rin ni Intes na magsuot ng helmet bilang proteksyon sa ulo at pananggalang sa init.

Pero paalala ng news anchor na si Connie Sison, mas nararapat pa rin na gumamit ng tunay na helmet para na rin sa proteksyon ng nagsusuot. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News