Hinahangaan ang isang pitong taong gulang na batang lalaki na mahilig magbasa, matapos niyang mabasa na ang aabot sa 1,000 na aklat sa Tabaco City, Albay.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din sa Unang Balita nitong Huwebes, kinilala ang batang lalaki na si Skyler Obusan, na mahilig magbasa ng samu't saring libro.
Tatlong gulang pa lamang noon si Skyler nang magkaroon ng interes sa pagbabasa, ayon sa kaniyang inang si Katrina.
Bukod sa nabasa na, saulado rin ni Skyler ang mga titulo ng kaniyang mga aklat.
Suportado si Skyler ng kaniyang buo pamilya sa hilig niya sa pagbabasa. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News