Sa tuwing sasapit ang Friday the 13th, hindi maiwasan ng ilang tao na mangamba dahil nagdadala umano ng kamalasan ang araw na ito.
Saan nga ba nanggaling ang ganitong pamahiin, at dapat ba itong katakutan?
Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ang Triskaidekaphobia ang partikular na pagkatakot sa numero 13.
Naniniwala ang mga Sumerian noong unang panahon na 12 ang perpektong numero. Kaya naman hindi ang sumunod na numerong 13 ay hindi na perpekto.
Pagdating naman sa mga Katoliko, sinasabing malas ang 13 dahil sa grupo ni Kristo at ng Kaniyang 12 alagad, tinaksil Siya ng ika-13 miyembro.
Noong 2022, isa lamang ang Friday the 13th, na tumapat sa buwan ng Mayo.
Ngayong 2023, dalawa ang Friday the 13th, na ngayong ika-13 ng Pebrero at sa Oktubre 13.
Gayunman, hindi lahat ng Pilipino ay naniniwala sa Friday the 13th.
"'Yung mga pamahiin hindi naman masasabi kung talagang totoo o hindi, basta tayong mga Pilipino, naniniwala tayo sa mga pamahiin na ganu'n. Nasa atin naman 'yun kung paniniwalaan natin o hindi eh," sabi ni Marlon Magcalas. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrted News