Isang high-tech na inidoro na awtomatik na nagsasara at bumubukas, at may kasama pang virtual assistant. Ang halaga ng inidoro, aabot daw sa $10,000 o mahigit P500,000.
Sa video ng GMA News Feed, tinawag ng Kohler, ang kumpanyang bumuo sa high-tech inidoro, na "Numi 2.0" ang naturang gamit sa banyo.
May sensors daw ang smart toilet na ito para awtomatikong magbukas at magsara.
Mayroon din itong bidet, seat warmer at dryer para sa mga gumagamit.
Kaya rin nitong mag-self cleaning sa pamamagitan ng UV light na pumapatay sa mga bacteria at germs.
Nilagyan din ito ng built-in digital assistant.
“The Amazon Alexa is built into the product so it is embedded within Numi 2.0. It allows you to access a couple of unique features like flush your toilet or start your bidet cleansing experience,” saad ni Kohler Product Marketing Manager Andrew Van Gordon.
“It also allows you to play music, streaming your music through your smart home device. It can play your favorite podcasts, check the news,” dagdag pa niya.
Puwedeng makontrol ang inidoro sa pamamagitan ng voice command at remote control.
Kabilang din sa features nito ang lighting panel na puwedeng baguhin ang tema depende sa mood ng gumagamit.
Para sa mga OC, awtomatiko ring tumataas ang toilet seat kapag na-detect ng sensor na nakatayo ang gumagamit.
Marami ang bumilib sa high-tech inidoro pero kakagat naman kaya ang mga consumers sa presyo nito?
“I mean, you know, some people can go into the toilet and sit there for a while to take a mental break. And I see the value for that for those people, one of which is my husband,” sambit ng isang consumer.
“The price is too high. I love the features, but it’s too expensive. If the price comes down, I would buy it. Especially the self-cleaning,” pahayag naman ng isa pa.--Mel Matthew Doctor/FRJ, GMA Integrated News