May isa raw kalye sa Antipolo na binansagang Baklarun Street dahil sa dami ng beshie rito. Kailan ba nagsimula ang Baklarun Street? Alamin.
Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho”, isinalysay ng “mima” o “nanay-nanayan” ng Baklarun Street na si Abdon “Joan” Gonzales Jr. na 1960 noong napadpad siya sa Antipolo.
“Demure ang aking beauty talagang girl ang attitude ko. Babaeng Pilipina. Ako ang pinupuntahan ng lalaki. Gabi-gabi nililigawan ako,” saad ni Joan.
“Hindi ako pwedeng gatasan nila kasi hindi naman ako mayaman. Gusto ko mahalin ako ng lalaki kung sino ako,” dagdag pa niya.
Hanggang si Joan ay namasukan sa isang salon.
“Tinawag akong mayordoma kasi ako ang pinakamatandang hairdresser dito. Ako ang unang-unang nag-parlor dito,” aniya pa.
Kalaunan, ang dating iisa lang na parlor sa Baklarun Street, naging siyam.
Kaya naman, kanya-kanyang diskarte rin daw ang mga beshie para magkaroon ng customer.
Pero may mga pagkakataong nagkakaroon ng iringan at tarayan dahil sa pagaagawan?
Ano kaya ang mangyayari sa mga beshie sa Baklarun Street? Mareresolba pa ba ang kanilang alitan?
At ano naman ang kaya ang regalo nila sa mga residente bilang maagang pamasko? Panoorin sa video ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.” —Mel Matthew Doctor/NB, GMA Integrated News