Kinaaliwan ng netizens ang school project ng isang estudyante sa Cavite dahil mala-ataul ang isinumite niyang porfolio.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Southern Tagalog" nitong Biyernes, sinabing nag-viral sa social media ang naturang project ng Grade 12 student na si Yokozhi Janairo dahil ginamitan niya ito ng kakaibang level ng creativity.

Ayon sa estudyante, pinagawa sila ng kanilang guro ng portfolio para sa physical education subject na dapat mula sa recycled materials ang gamit.

Kumuha ng karton ang estudyante na binalutan ng puting papel, may gold ribbon, malambot na tela, at bronze handle na tila disenyo ng ataul.

Kaya bukod sa nakapag-submit siya ng project, tanggal stress at kinagiliwan pa. —FRJ, GMA News