Talagang kakaiba ang napiling tema ng prenup photoshoot ng isang magkasintahan sa Cebu. Sa halip na sa magagandang tanawin, sa sementeryo sila nagpunta. 

Sa ulat ni Lou-Anne Mae Rondina ng GMA Regional TV News nitong Miyerkules, sinabing naisipan ng magkasintahan na sina Neftaly Mangubat at Michael Vincent Cortez na gawin ang kanilang kakaibang prenup shoot sa isang libingan sa bayan ng Lobo.

Ayon sa magsing-irog, ang black-colored theme ng kanilang prenup shoot ay sumisimbolo sa mga madidilim na kabanata na pinagdadaanan nila sa kanilang relasyon.

Ikinuwento ni Neftaly na sa anim na taon na silang magkarelasyon ni Michael Vincent, at dumaan sila sa maraming pagsubok at hamon.

Excited na sina Neftaly at Michael Vincent sa bagong yugto ng kanilang relasyon na "road to forever."

Ikakasal sina Neftaly at Michael Vincent sa Oktubre. -- Jamil Santos/FRJ/RSJ, GMA News