Kinagiliwan ng netizens ang reaksyon ng isang ginang matapos umeksena ang isang tuko sa kalagitnaan ng kaniyang live selling sa San Enrique, Iloilo.
Sa ulat ng "Saksi," ikinuwento ni Florence Joy Villanueva na dati na siyang tinalunan ng tuko, kaya ganoon na lamang ang kaniyang takot nang may magpakitang tuko sa kanilang bintana.
Matapos naman nito, itinuloy ni Florence ang kaniyang live selling kaya sumaludo sa kaniya ang netizens.
Para sa pamilya ang ginagawang pag-live selling ni Florence kaya haharapin niya ang kahit na anong hamon o takot, basta hindi siya lulundagan ng tuko. —Jamil Santos/VBL, GMA News