Tanging ang kongkretong bahagi  na lamang ng bubungan ng isang simbahan ang nagsisilbing alaala na minsan ay mayroong dalawang barangay sa lugar na tinatawag na ngayong Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales.

Ang Mapanuepe lake ang isa sa mga lugar na dinadayo ng mga turista sa Zambales dahil na napakagandang tanawin rito.

Napapaligiran ang lugar ng mga burol at matatayog na pine trees. Atraksyon din dito ang lawa na may lawak na mahigit 500 hektarya at lalim na 20 meters.

Ang mga turista, maaaring mag-camping at mag-swimming.

Pero sa pusod ng lawa, mayroon palang nakalubog na dalawang barangay--ang Aglao at Buhawen.

Ayon sa mga residente, mapayapa ang komunidad sa dalawang barangay na mayroong paaralan, palengke, minahan at ang Sta. Barbara church.

Tanging ang kongkretong bahagi na lamang ng bubungan ng simbahan na nakaangat sa lawa ang nagsisilbing alaala na wala noong lawa sa lugar, at sa halip ay dalawang barangay.

Ang 69-anyos na ngayon na si Jing Valdez, isang photographer,  nakapagtabi ng mga larawan noong makikikita pa ang dalawang barangay sa lugar.

Nakuhanan din niya ng larawan nang unti-unti nang nilalamon ng tubig ang dalawang barangay.

Paano nga ba lumubog sa tubig ang Aglao at Buhawen hanggang sa maging lawa? Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."

--FRJ, GMA News