Isang kakaibang kambing ang isinilang sa Laoag, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Kapansin-pansin ang kambing dahil isinilang itong walang ulo, ari at balahibo.

Bagama't maayos na isinilang ang kambing ay nasawi din ito makalipas ang isang oras. Samantala, normal naman ang mga kapatid ng naturang kambing.

Ayon sa City Veterinary Office, nagkaroon ng hormonal deficiency ang nanay ng kambing kaya hindi nabuo ng wasto ang isa nitong anak.

Maaari raw may natamong trauma ang nanay ng kambing buntis ito. —Sherylin Untalan/KBK, GMA News