Pinagpiyestahan ng mga residente ang mga naglabasang mga Susuhong o "mole cricket" sa isang bukid sa Vintar, Ilocos Norte.
Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan," sinabing lumabas ang mga naturang insekto dahil sa naranasang pag-ulan.
Kaniya-kaniyang pulot ang mga residente sa mga susuhong para gawing ulam.
Tinatawag ang naturang kulisap na "Ararawan" sa mga Ilokano at itinuturing na exotic food na mas malinis kumpara sa salagubang.
Nagkakahalaga ang susuhong ng P900 kada kilo kapag ipinagbili. --FRJ, GMA News