Bukod sa refreshing ngayong tag-init, marami ring itinatagong health benefits ang singkamas. Saan nga ba nanggaling ang singkamas at anu-ano ang mga sustansiyang taglay nito?
Sa "Good News," sinabing ang singkamas o Jicama ay may genus name na Pachyrhizus na nangangahulugang "thick root."
Ang Pilipinas ang unang narating sa Asya ng singkamas, na nagmula sa Central America at Mexico. Dinala ito ng mga Espanyol noong ika-17 siglo.
Nitong 2021, inilaban ng isang magsasaka sa Canada ang halos 30 kilogram ng singkamas para masungkit ang Guinness World Records na the heaviest singkamas in the world.
Bukod sa mababa ang calorie content ng singkamas, mataas din ang fiber content nito, at mayroon din itong 85 porsyentong tubig.
Mainam din ang singkamas para sa mga may diabetes dahil mayaman ito sa Oligofructose inulin, isang uri ng sweet carb na hindi nagiging sugar sa loob ng katawan.
Mataas din sa Vitamin C content, at mayroon ding Vitamin B6 at iba pang minerals ang singkamas.
Alamin sa Good News ang mga katakam-takam na recipes gamit ang singkamas. Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News