Sa harap ng dumadaming kaso ng COVID-19 sa India, ilang mamamayan nila ang gumagamit ng dumi at ihi ng baka na ipinapahid nila sa buong katawan bilang panlaban umano sa virus.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing nagbabala ang mga doktor sa India sa paggamit ng dumi ng baka bilang pangontra sa COVID-19.
Paliwanag ng mga doktor, walang siyentipikong basehin na epektibo ang dumi at ihi ng baka bilang panlaban sa virus.
Sa halip, maaari umanong magdulot ng iba pang sakit sa tao ang dumi ng baka.
Ayon umano sa isa umanong nagkaroon ng COVID-19, gumaling siya matapos gawin ang pagpapahid ng dumi at ihi ng baka .
Hinayaan nilang matuyo sa katawan ang pinagsamang dumi at at ihi para ma-absord umano ng katawan ang bitaminang dulot ng dumi ng hayop.
Itinuturing banal ang baka sa Hinduism na relihiyon sa India.
Matagal nang ginagamit ng mga Hindu ang dumi ng baka bilang panglinis ng bahay at sa mga ritwal.--FRJ, GMA News