Ipinakita ng isang artist na ang pagpipinta, hindi lang kadalasang ginagawa sa canvas kundi posible rin sa napakaliit na butil ng bigas. Paano nga ba ginagawa ang rice grain painting?

Sa programang "Aha!" ikinuwento ng rice grain artist na si Sheila Mae Bernaldez na nagsimula ang pagpipinta niya sa bigas mula sa simpleng biruan lamang na challenge ng ilang netizens.

Pero kinasahan ito ni Sheila at nagsimula siya sa mga dalawang pulgadang paper cuttings, hanggang sa masanay siya sa miniature painting.

Gamit ang dadalawang strand lamang ng brush, magnifying glass o camera zoom lens, ilang obra na ang naipinta ni Sheila sa mga butil ng bigas tulad ng sunset at sunrise, night skies, at ang The Starry Night ni Van Gogh.

Samantala, isa pang nauusong rice art ang pagguhit ng isang makulay na imahe gamit ang mga butil ng bigas na kapag initsa sa ere, nagkakaroon ng hologram effect.

Panoorin sa video ang nakamamanghang iba't ibang rice grain art.

 

—AOL, GMA News