Nagulantang ang mga beachgoer sa Sydney, Australia nang biglang umeksena sa tabing-dagat ang isang pating.
Sa video na ipinakita sa GMA News Feed, may kalakihan ang pating na lumalangoy sa mababaw na bahagi ng tubig.
Mayroon namang awtoridad sa lugar para sabihan ang mga tao na huwag lumapit sa pating at hayaan lamang ito hanggang sa makaalis.
Wala namang inatake ang pating at wala ring iniulat na nasaktan sa naturang insidente.
Pero nitong mga nakaraang buwan, dumadami umano ang naiitalang mga nasawi at nasugatan sa shark attack sa Australia na ipinagtataka ng mga eksperto.
Hindi raw naman kasi karaniwang kasama sa natural diet o pagkain ng mga pating ang tao.
Aalamin ng mga eksperto ang posibleng dahilan ng pagdami ng shark attack incident.--FRJ, GMA News