Nitong nakalipas na mga buwan, ilang sawa ang nakita sa iba't ibang lugar na hindi naman nila natural na tirahan. Mayroong lumulutang sa baha, nakasabit sa poste, nasa labas at maging sa loob ng bahay. Ang isa, nakalambitan pa nga sa wall clock.
Kamakailan lang, nag-viral ang mga video habang hinuhuli ang isang malaking sawa na pilit na pumapasok sa isang bahay sa Tarlac City.
Mahabang sawa rin ang pinagtulungan hulihin ng dalawang lalaki sa loob ng isang bahay sa South Cotabato. At sa Quezon City, isang sawa rin ang nakita sa loob ng bahay at nakabitin pa sa wall clock.
Ano nga kaya ang dahilan at naglalabasan sa kanilang lungga ang mga ahas sa panahong ito ng tag-ulan, at ano ang dapat gawin kapag sila ay nahuli? Panoorin ang pagtutok dito ng programang "Brigada."
--FRJ, GMA News