Makikita sa mga larawang kuha nitong Sabado ng gabi ang masayang pagsi-swimming ng mga kabataan sa bayan ng Sitangkai sa probinsiya ng Tawi-Tawi.
Hindi ito baha.
Ito ang karaniwang eksena sa Barangay Datu Baguinda Putih.
Araw-araw at gabi-gabi ay makikita ang mga kabataan na nag-e-enjoy sa paliligo sa tinaguriang canal ng Venice of the South lalo na kung high tide.
Itinuturing na main street ng Sitangkai ang bahaging ito ng bayan. Dito nagaganap ang kalakalan at nagsisilbi rin itong tourist destination.
Malinis at malamig ang tubig dito kung kaya’t kahit sino ay maaakit na mag-swimming.
Pinapanatili ng lokal na pamahalaan ng Sitangkai ang kalinisan sa kanilang lugar. —KG, GMA News