Dinadayo ng mga tao ang isang circus sa Munich, Germany hindi lang para maglibang kung hindi para bumili rin ng dumi o ebak ng mga alagang leon sa halagang $6 o halos P300 sa bawat maliit na garapon. Para saan naman kaya gagamitin? Alamin.

Sa ulat ng Reuters, sinabi ni Martin Lacey, trainer ng mga leon, na ginagamit daw ang dumi ng leon bilang pangtaboy sa iba pang hayop na dumadayo sa ibang bahay o hardin gaya ng mga pusa.

"For many many years they come to us and ask for lion poo and I always ask, 'What's that for?' And I am told it keeps cats away from the garden," sabi ni Lacey.

"Since then we have learned that also it keeps the animals away from the car where they eat all the electric cables. Therefore a local garage has bought from us and they are very very happy," patuloy niya.

 

 

Tinatayang nasa 2,000 dumi na umano ng leon ang kanilang naibenta.

"And I always say: if you've got bad neighbors put some in the garden and the neighbors will also stay away," ayon pa kay Lacey.

Dahil na rin sa dami ng bumibili, nagtayo na rin sila ng tindahan para sa mga naghahanap ng dumi ng leon.

Ang bahagi umano ng kita ay napupunta naman sa charity para mapabuti ang kalagayan ng captive animals. --Reuters/FRJ, GMA News