Hindi lahat ng luma, wala nang halaga.
Gaya na lamang ng ilang lumang gamit na iniingatan ngayon ng ilang kolektor tulad ng panyeta, maliit na libro at paa ng lumang sewing machine na libu-libo ang presyo.
Ang isa namang lumang-lumang sandok na sinasabing nagmula sa Cordillera, naibenta sa Austria sa halagang katumbas ng P7 milyon.
At kung may lumang gamit na pinaniniwalaang antigo na, mayroon Facebook group na maaaring magtanong kung may halaga ba ang iniingatang gamit. Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News