Habang bawal pa ang live audience, mga robot muna ang sumasayaw para i-cheer ang kanilang baseball team sa stadium sa Fukuoka, Japan.
Sa Twitter post ng Agence France Presse, makikita ang pagsayaw ng mga robot na "Spot" ng Boston Dynamics at "Pepper" ng Softbank Robotics sa laro ng Fukuoka SoftBank Hawks laban sa Rakuten Eagles.
VIDEO: Robots cheer players in Japanese baseball stadium.
— AFP news agency (@AFP) July 9, 2020
Boston Dynamics "Spot" and Softbank Robotics "Pepper" cheer before the game between the Fukuoka SoftBank Hawks and Rakuten Eagles. Up to 5,000 fans will be allowed to attend baseball games from July 10 pic.twitter.com/SDKOiNr36I
Ipinadala ng Softbank Hawks ang mga robot para pasayahin ang kanilang tea dahil hindi pa pinapayagan ang live audience dahil sa COVID-19.
Sinimulan na ng Nippon Professional Baseball ang season nito noong Hunyo, bagama't sarado pa sa publiko.
Pero mula Hulyo 10, hanggang 5,000 fans na ang papayagang manood sa mga stadium. --AFP/Jamil Santos/FRJ, GMA News