Hindi 4-wheel drive kung hindi 8-leg drive ang arangkada ng isang kotse na mistulang malaking gagamba na ginawa sa isang lungsod sa Russia.
Sa ulat ng Reuters, sinabi ng mekanikong si Vagan Makaelyan, mula sa lungsod ng Krasnodar, na ilang beses silang nagkaroon ng pagbabago sa "spider car"--mula sa mga inilagay na mga "paa," pati na sa kotseng ginamit.
"We redid it several times until we got this result. First, we put small wheels. They didn't fit. Then we put large wheels. First we tried one electric motor, then put another one. We had to redo a lot," kuwento niya.
An eight-legged vehicle resembling a giant spider has appeared on Russia's roads pic.twitter.com/utMfYUQPpw
— Reuters (@Reuters) June 5, 2020
"The look of the legs was different. We redid them and installed them to make the result look more beautiful. Well, in the end, it turned out to be such a beauty," patuloy niya.
Panoorin sa video kung papaano lumakad o umandar ang kakaibang "spidercar." -- Reuters/FRJ, GMA News