Dahil napansin ng isang sapatero sa Romania na marami sa kaniyang mga kababayan ang hindi nakakasunod sa social distancing, naisipan niyang gumawa ng kakaibang sapatos.

Sa ulat ng Reuters, sinabing gumawa si Grigore Lup, mula sa Transylvanian city sa Cluj, ng sapatos na mahaba ang nguso at may sukat na 75.

“You can see it on the street, people are not respecting social distancing rules,” sabi ni Lup, na 39 na tao nang gumagawa ng leather shoes.

 

 

“I went to the market to buy seedlings for my garden. There weren’t many people there but they kept getting closer and closer," saad niya.

“If two people wearing these shoes were facing each other, there would be almost one-and-a-half metres between them,” paliwanag pa ni Lup.

Ayon kay Lup, ginawa niya ang disenyo ng social distancing shoes mula sa mahabang sapatos na ginawa niya noon para sa mga aktor.

Sa ngayon, mayroon na siyang natanggap na limang order ng social distancing shoes na nagkakahalaga ng 500 lei ($115) ang pares.

Nasa dalawang araw umano bago niya magawa ang isang pares ng sapatos. --Reuters/FRJ, GMA News