Mula daw nang magsimula ang pandemya ng COVID-19, hanggang ngayon ay wala pa raw miyembro ng grupong "Haring Bakal" ang tumatawag para sabihing nahawa sila ng nakamamatay na virus, ayon sa lider nila na si Mang Ben.
Si Noli na isang driver, kabilang sa mga miyembro ng "Haring Bakal." Naghanap daw siya noon ng anting-anting para protektahan siya laban sa disgrasya hanggang sa maging kaanib siya ng grupo at nagkaroon ng anting-anting na 'libon ng niyog.'
Ang libon ng niyog, ginagawa at dinadasal ng orasyon ng kanilang lider na si Mang Ben, na mula pa noong 1975 daw ay may taglay nang agimat na nagliligtas sa kaniya sa kapahamakan at karamdaman.
Pero bago maging miyembro ng grupo at magkaroon ng anting-anting, kailangan munang dumaan sa isang sensitibong ritual na pagtataga sa iba't ibang bahagi ng katawan.
Gaano nga kaya katotoo na puwedeng panlaban sa COVID-19 ang agimat, at bakit hindi raw nasusugatan sa taga ng itak ang mga miyembro ng grupong "Haring Bakal?"
Tunghayan ang kuwentong ito sa "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News