Nitong nakaraang buwan, inabangan ng marami ang kauna-unahang meteor shower ngayon taon kung saan nasa 10 hanggang 20 bulalakaw daw ang namataan. Isa nga kaya sa mga ito ang bumagsak sa Cavite at tumama sa isang puno na naging dahilan para ito magliyab?
Ang mga larawan at video ng naputol at nasusunog na puno, nag-viral sa social media at pinag-usapan kung tinamaan nga ba talaga ng bulalakaw.
Paliwanag ng nag-upload ng mga larawan at video, nang gabing makita ang nagliliyab na puno, may nadinig daw silang malakas na pagsabog. Bukod dito, sariwa rin daw ang puno kaya hindi basta-basta madaling masunog.
Pero bulalakaw nga kaya ang dahilan kaya nagliyab ang puno? Alamin ang sagot dito sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho." --FRJ, GMA News