Sa tuwing busy sa gawaing bahay, hinahayaan ni Aling Teresa ang kaniyang batang anak na paglaruan ang kaniyang cellphone para kumuha ng larawan o mag-video. Pero laking gulat ng ina nang minsan silipin niya ang kaniyang cellphone at makita ang video-selfie ng kaniyang anak na may katabing matandang babae--si Lola Olympia na sumakabilang buhay na.
Tunghayan ang episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" at alamin kung puwede nga bang bumalik ang kaluluwa ng isang namayapang mahal sa buhay at makihalo pa sa selfie? Totoo nga kaya na ang pagpaparamdam ni Lola Olympia ay para isa-isang "sunduin" ang kaniyang mga mahal sa buhay matapos pumanaw ang kaniyang panganay na anak?
Ipinasuri din ng "KMJS" ang video sa isang eksperto at wala raw itong nakitang anumang palatandaan na minanipula ang kuha. Panoorin at nakakakilabot na kuwento na ito.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News