Ginahasa umano ng isang lalaki ang isang buntis na baboy sa bayan ng Numancia sa lalawigan ng Aklan, ayon sa ulat sa telebisyon nitong Huwebes ng umaga.
Sa ulat ng Unang Balita, sinabing nagising dakong alas-dos ng madaling-araw ang may-ari ng buntis na baboy dahil sa ingay at mga kaluskos mula sa kulungan ng kanyang alaga.
Nang lumabas ng bahay ang may-ari upang tingnan kung ano ang nangyari, nakita niya ang isang lalaki sa may kulungan ng baboy na nakahubad, at agad umano itong nagtatakbo.
Nangangamba ang may-ari ng baboy ang maapektuhan ang pagbubuntis ng kanyang alaga na inaasahang ilang araw na lamang ay manganganak na.
Batay sa mga pag-aaral ng World Health Organization (WHO), at ng US Mental Health Association, ang pakikipagtalik sa hayop o ang bestiality ay isang uri ng sakit sa pag-iisip.
Dagdag ng mga ekserto, ang bestiality ay maaaring maging sanhi ng leptospirosis at rabies. —GMA News