Mahigit limang dekadang iningatan ni Nanay Diosdada ang kaniyang nag-iisang gintong ngipin. Katunay, ito na nga lang ang makikitang ngipin sa kaniyang harapan. Pero ngayon, nais niya na itong ipabunot at ibenta.
Sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing 17-anyos lamang si Nanay Diosdada nang palagyan niya ng ginto ang kaniyang ngipin na kung tawagin ay "bansil."
Sinabing 24 karat na ginto sa ngipin sa Nanay Diosdada na ipakabit niya noong dekada 70s. Nang panahong iyon, napupulot lang daw sa dalampasigan ang ginto sa kanilang probinsya sa Masgad, Surigao Del Norte.
Ayon sa historian na si Fernando Almeda Jr., ang pagkakaroon ng isang babae ng gintong ngipin sa mga Manobo ay nangangahulugan ng "elevated status" sa komunidad.
Ngayong 65-anyos na, nais ni Nanay Diosdada na ipabunot ang kaniyang ngipin para maibenta ang ginto upang magamit na panggastos sa pagpapaaral ng kaniyang mga apo.
Panoorin kung ano ang tantiya ng mga eksperto sa halaga ng gintong ngipin ni Nanay Diosdada, at kung itutuloy pa niya ang kanilang plnaong magpabunot.
--FRJ, GMA News